Lakbay Diwa
I
Gusto kong maglakbay sa gitna ng dilim,
Hindi nakikita at walang pakialam.
Tatahakin ko ang landas ng karimlan,
Patungo sa mga puno, talahib at halaman.
Doon aking ilalapag ang bitbit kong duyan.
At hihiga.
Matutulog.
Makikinig sa mga kuliglig.
Susundan ng mata ang maharot na indayog ng mga alitaptap.
Minsan puti, minsan dilaw.
Singdilaw ng iyong blusang walang manggas,
Isang gabing lumilipad ang iyong buhok sa ating habulan.
Natatandaan mo pa ba, nung ikay nakipag-ulayaw sa kanila,
Sa ilalim ng malalaking punong singtanda ng mundo?
Sumasayaw ka nun,
At tumatalon,
At tumatakbo,
Pabalik-balik ka sa akin, para kunin ng iyong mga labi ang aking hininga.
At iiwan uli ako, nakatayo, di makapaghintay sa minsan mo pang paghalik
II
Gusto kong mangisda sa gitna ng laot.
Mag-isa,
Walang isla,
Walang lupa.
Ibaba ko ang aking lambat at ito’y kakalimutan.
Maghihintay sa pagbiyak ng araw.
Tanging baon kong alaala, dahan dahan kong ipupunla
Sa mga alon na nag-uunahang itaob ang aking bangka.
Along kumekending kasabay ng buhok mong sing-itim
Ng katahimikang naglalaro sa aking kamay,
Na sinubok kong tuklasin sa pamamagitan
Ng pag-amoy ng halimuyak nitong
Singkapal ng unan nung minsang tayoy nakahiga
At ikay isang pahalang
Na musikang bumubulong, binubulong,
Ang kanta ni Nina Simone.
III
Gusto kong maglaho sa gitna ng tahimik.
Kung sa ilalim ng lupa ito makakamit,
Akoy walang humpay na maghuhukay.
Maliligo ng dumi.
Hindi na aahon.
Mananatiling nakabaon.
Walang alaala, walang kahapon.