Wednesday, December 06, 2006

Ang Paglisan

Isang gabi, hindi ka na makapa.
Kahit anong paglinga ang ginawa, hindi ka makita.
Sinubukan sa ilalim ng kama, hinanap sa alikabok
At sa mga agiw na naipon, wala ka dun;
Tumakbo sa banyo at humiga sa ilalim ng gripo,
Sinilip ang tubo baka sakaling sumuot at dun nagtago;
Lumabas at itinaas ang kanang manggas,
Sinipat ang pangalan mong nakatatung parang ahas.
Subalit maliban sa nunal na merong balbas,
Walang kahit bulate man lang na katumbas.
Tumingin sa salamin, umaasang nandun pa rin
Kung ang damit ay huhubarin; ang sugat--
Alaala ng umagang sinaksak ng iyong ngiting naging sibat
Itong pusong dating nakapikit at sa kaligayahan ay namulat.
Ngunit pati yun ay nawala, naglahong parang bula.

Ang aking pag-ibig na iningatan, na kung ilang taong inalagaan,
Tuluyan nang nakalimutan, pumanaw sa pagsibol ng bagong buwan.

1 Comments:

Blogger manel said...

is there an epidemic of break-ups? hay magxxmas pa naman.

8:45 PM  

Post a Comment

<< Home