Sandali Lang
Sandali lang.
Hayaan mo munang pulutin ko
Ang pira-pirasong parte
Ng aking katinuan.
Katinuang biniyak ng katotohanang
Hanggang dito na lang.
Dito.
Kung saan inililibing
Ang mapangahas na mga pag-ibig
Ng ninumang gustong kumawala
Sa mga nakatakda na.
Sa mga alituntuning nakaukit sa bato.
Sandali lang.
Papahirin ko lang itong mga luhang
Kanina pa gustong tumalon
Mula sa aking pilikmata.
Luhang dati namang nakatago
Ngunit ngayo'y hinahanap ka.
Alam kong ito'y nararapat lang.
Kailangan.
Dapat kong tanggapin.
Kahit mahirap.
Tatayo din ako sa aking pagkalugmok.
Sandali lang.
Hayaan mo munang pulutin ko
Ang pira-pirasong parte
Ng aking katinuan.
Katinuang biniyak ng katotohanang
Hanggang dito na lang.
Dito.
Kung saan inililibing
Ang mapangahas na mga pag-ibig
Ng ninumang gustong kumawala
Sa mga nakatakda na.
Sa mga alituntuning nakaukit sa bato.
Sandali lang.
Papahirin ko lang itong mga luhang
Kanina pa gustong tumalon
Mula sa aking pilikmata.
Luhang dati namang nakatago
Ngunit ngayo'y hinahanap ka.
Alam kong ito'y nararapat lang.
Kailangan.
Dapat kong tanggapin.
Kahit mahirap.
Tatayo din ako sa aking pagkalugmok.
Sandali lang.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home